Nagbabala sa publiko ang singer na si Darren Espanto matapos kumalat ang kaniyang poser sa social media.
Ayon kay Darren may mga poser o mga gumagaya sa kaniyang pangalan, litrato at mismong account na sumasali sa kaniyang mga fan page para siraan ang kaniyang reputasyon at personal na buhay.
Binalaan din ni Darren ang kaniyang mga fans na mag ingat at huwag basta maniniwala sa mga pekeng Facebook, Twitter o IG account dahil ang kaniyang official account ay may verified badge na makikita sa tabi ng kaniyang pangalan. — Sa panulat ni Angelica Doctolero