Nagsumite ng mensahe ang ilang environment groups kay Chairman Sheriff Abas ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pagkakaroon ng pro-environment measures para sa Eleksyon 2022.
Ayon kay Ecowaste Coalition President Eileen Sison, hinimok nila ang Comelec na magkaroon ng hakbang upang mapanatili at maprotektahan ang kapaligiran kontra sa nagkalat na mga basura, gayundin ang plastic pollution, climate change at COVID-19.
Batay sa mungkahi ng mga grupo, dapat na irequire ang mga indibidwal at grupo na tatakbo sa eleksyon na sundin ang Ecological Solid Waste Management Act.
Kinabibilangan ng mga Grupong Ecowaste Coalition, Greenpeace Philippines, Mother Earth Foundation, Zero Waste Philippines, Cavite Green Coalition, Interfacing Development Interventions For Sustainability, Oceana Philippines, NASSA/Caritas Philippines, and Urban Poor Associates ang mungkahing ito. —Sa panulat ni Airiam Sancho