Inanunsyo ng Philippine Sweepstakes Office (PCSO) ang isang maswertweng mananaya mula sa Malvar, Batangas ang kauna-unahang milyonaryo ng lotto games ngayong Oktubre, 2021.
Ito’y ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, na tumatagingting na P8, 910, 000 halaga ng jackpot prize sa mega lotto 6/45, na binola n itong biyernes ng gabi at napalanunan ng lucky bettor nang matagumpay na mahulaan ang six-digit winning combination na 09-13-29-30-10-19.
Pinayuhan naman ni Garma ang maswerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City dala ang dalawang valid id’s at winning ticket para makuha ang premyo. —Sa panulat ni Airiam Sancho