Nilinaw ng Commission on Elections na ligtas pa sa parusa ang mga naghain ng Certificates Of Candidacy na magsasagawa ng early campaigning.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, wala pa namang legal prohibition laban sa premature campaigning at nananatiling aspirant ang mga ito at hindi pa ikinukunsiderang mga kandidato.
Magiging kandidato lamang anya ang isang indibidwal sa sandaling magsimula na ang campaign period.
Gayunman, hinikayat ng COMELEC official ang COC Filers na iwasan muna ang early campaigning.
Aarangkada ang campaign period sa Pebrero 8 para sa national candidates at Marso 25 sa local candidates. — sa panulat ni Drew Nacino