Pinaghahandaan na ng senado ang ibibigay na necrological mass sa yumaong si dating Senador Ernesto Herrera.
Ito ay kung saan naka-iskedyul sa Miyerkules ang pagdadala sa labi ni Herrera sa Senado para sa necrological mass.
Sa ipinalabas na statement ni Senate President Franklin Drilon, nagpahayag ito ng pakikiisa sa pagdadalamhati sa pagyao ng kaibigan at dating kasamahan sa senado.
Aniya, kilala si Herrera bilang union leader na walang humpay na ipinaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)
*Photo Credit: BusinessWorld