Posibleng hindi na lumagpas pa sa 10,000 kada araw ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa katapusan ng Oktubre.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nasa 0.91 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa buong bansa habang nasa 0.85 naman ang reproduction number sa NCR.
Sinabi pa ni David na mas mapapabilis ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung mako-kontrol ng ibang rehiyon ang pagtaas ng mga kaso sa kani-kanilang lugar. —sa panulat ni Hya Ludivico