Karagdagang 21 kaso ng Delta variant ang na-detect ng Department of Health (DOH) dahilan para umakyat ito sa 3,387.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kabuuan ay may 749 samples mula noong April hanggang June ang isinailalim sa sequencing.
Sa nasabing bilang, 288 ang Alpha variant, 309 cases ang Beta variant, habang 21 cases naman ang Delta Variant.
Ani ni Vergeire, kung mapapansin sa datos, lumalabas na sa mga panahong ito ay hindi pa masyadong nakakalat ang Delta variant sa bansa.
Gayunman, nananatiling mas maraming naitatalang kaso ng Delta variant sa National Capital Region na sinundan ng Region 3, Region 4-A, Region 6, Region 9, Region 11.