Lumobo na sa 2,604,040 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ito’ymatapos bumulusok kahapon sa 10,748 ang additional cases, ang pinaka-mababang daily case na naitala sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa datos ng Department Of Health, sumadsad pa sa 106,160 ang aktibong kaso ng COVID-19 habang nasa 16,523 ang mga bagong gumaling kaya’t umabot na sa 2,459,052 ang total recoveries.
Kaunti naman ang naitalang namatay kahapon sa animnapu’t isa dahilan upang pumalo sa 38,828 ang total death toll.
Nadagdagan naman ng 21 ang kaso ng mas nakahahawang delta variant ng COVID-19 na nanggaling pa sa mga samples noong Abril hanggang Hunyo.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mababa ang bilang ng delta infections dahil kaunti lamang ito noong mga nakaraang buwan.—sa panulat ni Drew Nacino