Pursigido ang gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng access sa antiviral pill kontra COVID-19 na dine-develop ng US Drugmaker na Merck.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-negosasyon ang Pilipinas kapag may mga bagong produkto at sinusubukang ma-access ang mga ganitong uri ng gamot.
Sa katunayan anya ay sinimulan na ng bansa ang clinical trial sa oral medication bilang lunas sa COVID-19.
Aminado naman si Vergeire na hindi basta-basta ang prosesong pinagdaraanan bago maaprubahan ang paggamit ng isang gamot dahil mabusisi itong pinag-aaralan ng mga eksperto.—sa panulat ni Drew Nacino