Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa anim na shipment ng mga chinese medicine na walang kaukulang dokumento mula sa Hongkong.
Ayon sa mga otoridad, nagkakahalaga ng P29-M ang mga kargamento na wala umanong clearance o kaukulang dokumento mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ngayon nagkasa na ng operasyon ang mga tauhan ng customs matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa naturang kargamento. —sa panulat ni Angelica Doctolero