Past is past ika nga kaya nga si Kim Chiu ay nakapagmove-on na raw talaga sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson at dating BFF na si Maja Salvador.
Sa katunayan sinabi ni Kim na handa siyang makasama sa pelikula ang dalawa.
Given a good story at good character ay hindi umano siya magdadalawang-isip na tanggapin ang movie na makakasama sina Gerald at Maja.
Matatandaang nagkaroon ng samaan ng loob sina Kim at Maja matapos na magkaroon ng relasyon ang huli kay Gerald.
Ngayon ay Masaya na si Kim sa piling ni Xian habang nagkanya-kanya na sina Gerald at Maja.
By Rianne Briones