Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) na madaliin ang pagpapadala ng mga kaso at close contacts ng COVID-19 sa mga quarantine at isolation facilities.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bumababa na ngayon ang bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa.
Bukod pa dito, hinihikayat din ng DOH ang mga local vaccinations operations centers na palawigin pa ang pagbabakuna upang maabot ang 70% full vaccination para sa target na vaccination population.
Ikinatuwa naman ni Duque ang magandang pakikipag tulungan ng mga LGUs maging ng publiko para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero