Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mga LGUs partikular sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar na mabilis bahain at mga lugar na malapit sa baybaying dagat.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, panatilihing maging alerto at huwag magpakampante sa lagay ng bagyo.
Natukoy kasi ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang aabot sa 3,076 na mga barangay ang malapit sa landslide at flood prone areas.
Siniguro naman ni Jalad na patuloy silang magpapadala ng text warning sa publiko para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. —sa panulat ni Angelica Doctolero