Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año, nitong lunes ng gabi na tapos na ang distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga benepisyaryo ng Enhanced Community Quarantine sa Laguna habang ang bataan ay nasa 97.95 porsyento.
Aniya, higit anim na daan libo na benepisyaryo sa Bataan ang nabigyan na ng ayuda at inaasahang makukumpleto ang distribusyon sa susunod na linggo.
Samantala, sinabi ni Año na inilunsad na ng Department of Information and Communication Technology o DICT ang online application platform na Vaccination Certificication Philippines o VaxCertPH.
Bukod dito, sinabi ni Año na walang kaukulang bayad o libre ang VaxCert na maaaring magrehistro sa online website na vaxcert.doh.gov.ph at satellite booths ang mga nabakunahan na. —sa panulat ni Airiam Sancho