Pangangasiwaan ng National Adverse Events Following Immunization (NAEFI) ang mga batang makararanas ng side effect matapos bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may mga regional at local offices din ang NAEFI upang makatiyak na ang lahat ng mga batang edad 12 hanggang 17 anyos ay mababakunahan, matutukan at mababantayan.
Ani Duque, asahang makatutulong ang NAEFI para matukoy agad kung may kaugnayan ba sa bakuna ang side effect na nararanasan ng mga bata.
Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na anomang maitatalang adverse event ay dadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)