Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang kaniyang sasakyan sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City, nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jessie Dela Cruz, 46-anyos, Presidente ng asosayon ng mga jeepney driver sa rutang PUC Balintawak.
Batay sa ulat, nagawa pa ng biktima na makalabas ng sasakyan matapos ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo si Dela Cruz ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nadala pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay kalaunan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico