Binigyang diin ni Dr. Cynthia Cuayo-Juico, isang pediatrician, na walang dapat ipangamba sa side effects ng COVID-19 vaccines ang mga magulang.
Giit pa niya, maaari talagang magkaroon ng side effects sa mga bata ang mga bakuna gaya ng lagnat, sakit ng ulo, chills at pananakit ng tinurukang braso.
Maliban dito, may mga pag-aaral din aniya sa amerika kaugnay sa side effect na namamaga ang labas at minsan ay ang loob ng puso ng mga batang nabakunahan ngunit hindi aniya ito dapat ikabahala.
Isasagawa sa Oktubre 15 ang pilot implementation ng pediatric inoculation sa bansa kung saan sisimulan ito sa mga batang may comorbidities na may edad 15 hanggang 17.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico