Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation sa Pasay City ang tatlong indibidwal dahil sa hindi otorisadong pagbebenta ng gamot para sa COVID-19 patients.
Kinilala ang mga inaresto na sina Karen Amero, Ronaldo Ceriola at Erickson Soriano.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor, ibinebenta ang mga gamot sa online platforms gaya ng Facebook, Shopee at Lazada.
Nagsagawa ng test-buy ang mga FDA personnel at nasabat sa operasyon ang iba’t ibang gamot kabilang na ang Ivirem-Remdesivir.
Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 at RA 10918 o Philippine Pharmacy Act—sa panulat ni Hyacinth Ludivico