Umabot na sa 80% ang bilang ng mga fully vaccinated sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP Administrative Support to COVID-19 Task Force, nasa mahigit 200,000 mga police personnel na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sa pahayag ni ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, 89,940 sa mga pulis ang naturukan ng Sinovac; 65,698 sa bakunang Astrazeneca; 13,925 sa Sputnik V vaccine; 9,251 naman sa Pfizer; 5,411 sa Moderna vaccine; 35,130 sa Janssen vaccine habang 203 naman sa Sinopharm.
Umaasa naman si Vera Cruz na makukumbinsi ang mga pulis na ayaw magpabakuna upang madagdagan pa ang bilang ng mga fully vaccinated sa hanay ng PNP.
Sa ngayon, nagpapatuloy parin ang pagbabakuna sa ibat-ibang regional police offices para hikayatin ang nasa 6,000 pang mga pulis na magpabakuna bilang proteksiyon laban sa COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero