Patay sa pamamaril ang isang empleyado ng isang bangko sa bahagi ng Sitio Looban, Barangay Camanci, Nort, Aklan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang suspek ang dumating sa nabanggit na lugar saka pinagbabaril ng tatlong beses ang biktimang nakaupo sa loob ng tricycle.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.
Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilyang naiwan ng biktima. —sa panulat ni Angelica Doctolero