Naghain nadin ng Certificate of Candidacy (COC) ang ilang mga kilalang artista at atleta para sa 2022 National Elections.
Kabilang sa mga naghain ng COC ay ang re-electionist na si Jhong Hilario para sa kaniyang ikalawang termino bilang konsehal ng makati.
Naghain din sina Yul Servo para sa posisyon sa pagka-Bise Alkalde ng Maynila, Jerico Ejercito bilang Vice Governor ng Laguna at ka-tandem ng dating mamahayag na si Sol Aragones na tatakbo naman bilang Gobernador.
Nagsumite din ang artistang si Anjo Yllana bilang Kongresista ng Camarines Sur at Richard Yap bilang Congressman sa Cebu City.
Tatakbo naman bilang Mayor ng Victorias City sa Negros Occidental ang Star Magic Artist na si Javi Benitez na nobyo ng Filipina-American Actress na si Sue Ramirez.
Kakandidato naman bilang board member ng Nueva Ecija si Jason Abalos habang kabilang naman sa council slate ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga basketbolistang sina James Yap, Ervic Vijandre, Paul Artadi at Don Allado.
Nagpasa din ng COC ang mga beauty queen na si Ali Forbes bilang Konsehala ng Quezon City at Marissa Del Mar bilang kinatawan ng One Filipino Worldwide Party-List (OFW).
Magtatagal ang COC filing hanggang sa Biyernes, Oktubre 8. —sa panulat ni Angelica Doctolero