Pormal nang naghain ng Certificate Of Candidacy o COC sa pagka-Pangulo si dating Sen. Bongbong Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP.
Sinamahan si Marcos ng kaniyang asawa na si Atty. Louise at dalawang anak na si Ferdinand Alexander at Joseph Simon sa paghahain ng kandidatura.
Kahapon, inanunsyo ni Marcos sa kaniyang Facebook page ang kaniyang intensyong tumakbo bilang Pangulo sa 2022 national election.
Ani Marcos, hangad niyang maibalik ang mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa.
Nais umano niyang magkaisa ang lahat at magkakasamang makabangon ang mga Pilipino sa pagkalugmok ng ekonomiya bunsod ng pandemya.