Muling ikinakasa ng Taliban Government ng Afghanistan ang pag iisyu ng passports para sa kanilang mga mamamayan sa ilalim ng bagong liderato.
Ipinabatid ni Taliban Interior Ministry Spokesman Qari Saeed Khosti na natigil ng halos dalawang buwan ang pagbibigay ng passport matapos makontrol ng Taliban Forces ang gobyerno subalit muli silang mag iisyu nito kasunod ng go signal na makabalik sa trabaho ang mga babaeng empleyado.
6,000 pasaporte ang ilalabas ng Taliban Government kung saan priority na maisyuhan nito ang mga babaeng empleyado.