Hinimok ng IBP Integrated Bar of the Philippines ang Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsidera ang desisyong huwag padaluhin ang mga cabinet member sa Senate investigation hinggil sa umanoy overpriced medical supplies na binili sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Tinukoy ng IBP ang pasya ng Korte Suprema sa kaso ng Senate Versus Ermita kung saan ang kapangyarihan ng kongreso para i-compel o pilitin ang pagdalo ng Executive Officials sa imbestigasyon ay nakabase sa prinsipyo ng Separation of Powers.
Binigyang diin ng ibp na sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng free access to information sa kongreso makakatutulong ang Gobyerno na makabuo ang mga ito ng mga polisiya para sa kapakinabangan ng Taumbayan.
Una nang binatikos ng Philippine Bar Association ang nasabing kautusan ng Pangulong Duterte na paglabag anila sa System of Checks and Balances at Doktrina ng Separation of Powers sa tatlong sangay ng Gobyerno.