Tinawag na polluted ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Michael Aglipay ang testigong lumantad sa Senado na nagbunyag ng substandard face shields.
Kasunod narin ito nang pagkuwestyon ni Aglipay kung bakit hindi humarap ang nasabing testigo na dating warehouse staff ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa imbestigasyon din ng kamara sa naturang usapin.
Sinabi ni Aglipay na maituturing na polluted witness ang naturang dating empleyado ng Pharmally dahil hindi ito nagpapakita ng mukha kaya’t hindi nila uubrang maimbita sa kamara lalo hindi nila batid kung sino at tanging sa senado lamang ito naka-protective custody.
Una nang inamin ni Pharmally official Krizle Mago ang ibinunyag ng nasabing testigo na pag-tamper sa expiration date ng face shields bagamat binawi ng opisyal nang humarap sa pagdinig ng kamara kung saan naman ito naka-custody.