Bumulusok pa sa 0.76 ang COVID-19 reproduction rate sa Pilipinas, indikasyon ng nagpapatuloy na downward trend ng kaso.
Ayon kay Octa Researh Fellow, Dr. Guido David, sumadsad sa 12,455 cases ang seven-day average o mula Setyembre 30 hanggang kahapon, Oktubre 6.
Bumaba rin anya sa -26 ang one-week growth rate kaya’t bumagal ang COVID -19 surge sa ilan pang lugar tulad sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Gayunman, tumataas pa rin anya ang mga kaso sa ilang bahagi ng Northern Luzon.—sa panulat ni Drew Nacino