Posibleng ibaba pa ang alert level sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, kung magpapatuloy ang pagganda ng COVID-19 indications sa rehiyon.
Sinabi pa ni Abalos, mangyayari lamang ito kung patuloy na bababa ang hawaan at mga kaso ng COVID-19.
Dagdag ni Abalos, malaki ang naging epekto ng pagsasailalim sa granular lockdown ng ilang lugar at pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measures at pagdami ng nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Umaasa si Abalos na magiging maayos na ang sitawasyon sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng alert level 4 hanggang sa 15 ng Oktubre.