Arestado ang 12 suspek matapos ang ikinasang buy-bust operasyon ng mga otoridad sa Mandaluyong at Maynila.
Ayon sa otoridad, nasabat ang tatlong lalaki na may isang kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga na 6.8 milyong piso sa fast-food chain sa Barangay Malamig, Mandaluyong.
Kasunod nito, nahuli si alyas Lastrifasa sa Barangay 648, Maynila dahil sa umano’y pagtutulak ng droga.
Gayundin, nakuha sa isang senior citizen ang 16 na sachet ng shabu na mahigit 700 gramo o halos limang milyong piso.
100 gramo naman ng shabu na tinatayang higit sa 600, 000 piso ang nakuha sa tatlong babae at tatlong lalaki sa Juan Luna, Tondo.
Kabuuan na dalawang kilo o higit dalawang milyon ang nasamsam sa mga operasyon.
Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng otoridad habang nahaharap ang mga suspek sa kaso ng paglabag sa R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.—sa panulat ni Airiam Sancho