Umabot na sa higit 49,000 indibidwal ang nabakunahan sa Lungsod ng Iligan, Cagayan De Oro kontra COVID-19.
Ayon kay acting City Health Officer Dr. Berlinda Lim, target nilang mabakunahan ang higit 200,000 na residente.
Aniya, kabuuan na 3,626 na health workers para sa A1 Priority at 96% naman sa A3 ang nakatanggap na ng kumpletong dose ng bakuna.
Sa A4 Priority, higit labing isang libo na essential workers lamang ng publiko at pribadong sektor ang tapos nang bakunahan.
Habang 76 na indibidwal sa A5 Priority ang nakatangap na ng kumpletong dose mula sa higit tatlong libo na bakunado lamang ng unang dose.
Samantala, hinikayat naman ni Lim ang mga Kapitan ng mga barangay na hikayatin ang mga nasasakupan hinggil sa importansya ng bakuna.