Itinaas ng militar sa high terror level ang Iligan City sa Lanao Del Norte.
Ito’y dahil umano sa posibleng kaugnayan ng natagpuan na pampasabog noong nakaraang buwan sa lugar.
Ayon kay Jane Javier, researcher ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA- Region 10, maaaring may kaugnayan ang mga natagpuang pampasabog sa aktibidad ng terorismo ng Daulah Islamiyah-Maute at ng rebeldeng grupo na New People’s Army.
Matatandaan na noong Setyembre 25, narekober ng mga pulis ang isang rocket-propelled grenade sa barangay Pala-o at pinaniniwalaan na bahagi ng malaking pambobomba.
Dahil dito, nagdesisyon umano ang NICA na isailalim sa high terrorism threat level ang lungsod.