Itinanghal muling “Best Island in Asia” ang Siargao.
Batay ito sa 34th readers’ choice awards ng US based luxury and lifestyle travel magazine Conde’ Nast Traveler kung saan nakapasok din bilang top 3 ang Palawan at top 8 naman ang Boracay.
Bahagi rin ng top 10 Islands in Asia para sa taong ito, ayon sa Conde Nast Traveler magazine ang Raja Ampat Islands sa Indonesia, Bali, Indonesia, Sri Lanka, Langkawi, Malaysia, Koh Samui, Thailand, Phi Phi Islands, Thailand at Phuket, Thailand.
Ipinagmamalaki ng Siargao na tinaguriang surfing capital of the Philippines ang pristine beaches nito, white san islets at iba pang itinuturing na natural wonders.
2018 nang unang manguna ang Siargao sa naturang listahan.
Pasok naman sa top 25 ng Asia list ng nasabing magazine ang El Nido Resorts na Lagen Island, Apulit Island, Pangalusian Island at Miniloc Island sa Palawan.