Lumobo pa sa 22, 657,351 ang naka-kumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ito ang ipinagmalaki ng palasyo matapos mangulelat ang Pilipinas sa Nikkei Asia COVID-19 recovery index.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kabuuan ay 48,390,819 na ang tinurukan hanggang noong Miyerkules kabilang ang 25.7 million na nakatanggap ng first dose.
Sa ngayon aniya ay nasa 29% pa lamang ng kwalipikadong populasyon ng bansa ang fully vaccinated habang umabot na sa 76.7 % ang nakakumpleto ng bakuna sa metro manila.
Samantala, aarangkada na rin sa Oktubre 15, ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 na may commorbidities. —sa panulat ni Drew Nacino