Anim ang patay habang 38 ang na-ospital sa gitna ng diarrhea outbreak sa bayan ng Manay, Davao Oriental.
Ayon sa provincial government ng Davao Oriental, 26 na ang nakarekober habang dalawa ang naka-admitt pa rin sa Davao Oriental Provincial Hospital – Manay.
Dalawa naman sa mga namatay ay napag-alamang nakaranas ng matinding dehydration.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang local na pamahalaan sa sanhi ng outbreak na hinihinalang food poisoning.
Namahagi naman ang LGU ng chlorine at iba pang water purifying tablets habang inabisuhan ang mga residente na iwasan munang inumin ang tubig mula sa kanilang mga gripo hangga’t hindi pa matiyak na ligtas ito. —sa panulat ni Drew Nacino