Sumaklolo na ang Russia sa gitna ng nararanasang energy crisis bunsod ng patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo sa Europa.
Ayon kay Kremlin Spokesman Dmitry Peskov ,maymga gas pipe line naman sa Russia upang dagdagan ang supply sa iba’t ibang panig ng Europa.
Kabilang sa mga ito ang nord stream 2 pipeline na maghahatid ng natural gas mula Russia patungong germany sa oras na magsimula ang operasyon nito.
Gayunman, nakapende anya ito sa demand at ibabayad ng mga bansang mangangailangan ng gas supply.
Mahigit 20 bansa na pawang miyembro ng European Union ang posibleng makinabang sa nord stream 2 pipeline sa sandaling maging operational ito