Nakikipag ugnayan na ang COMELEC sa NTC sa pagaaral ng mga posibleng batas laban sa paggamit ng emergency alert system para sa political agenda.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon ng NTC sa alert system matapos mag file ng COC si dating Senador Bong Bong Marcos na sa tiningi nila ay wala namang nalabag sa elections law.
Gayunman, pinagaaralan aniya nila ang mga posibleng batas laban sa pag abuso sa emergency alert system.
Sinabi ni jimenez na bago ang nasabing strategy kayat nais nilang matutukan kung may legal na basehan ang paggamit ng alert system sa eleksyon.