Pormal nang itinalaga ni Pangulong Aquino si Atty. Emerson Carlos bilang bagong pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay bilang kapalit ng nagbitiw na si Chairman Francis Tolentino.
Si Carlos ang naging officer in charge ng MMDA matapos magbitiw si Tolentino para tumakbong senador sa 2016 elections.
Bago rito, nagsilbi din si Carlos bilang assistant general manager ng MMDA.
By Ralph Obina