Hindi na papayagan ng Commission on Election (COMELEC) na magpalit ng political party ang mga nakapaghain na ng Certificate of Candidacy.
Ito ang binigyang-diin ni COMELEC spokesperson James Jimenez, hindi na puwedeng magpalit ng political party ang isang kandidato lalo na’t tapos na ang filing ng COC.
Paliwanag pa ni Jimenez, kailangan umano i-withdraw ng kandidato ang kaniyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa dating party at maghain ng panibagong CONA sa COMELEC.
Ngunit dahil tapos na aniya ang paghahain ng COC na may CONA, ang pagtutuunan na ng pansin ay yung substitution na hanggang 15 ng Nobyembre.