Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na disco fire sa Bucharest, Romania.
Libu-libong tao naman ang nagmartsa sa Central Bucharest para mag-alay ng dasal at magtirik ng kandila para sa mga biktima.
Ayon sa mga imbestigador, hindi pa rin nakikilala ang 29 sa mga namatay dahil sa tustado ang labi ng mga ito.
Maliban sa mga nasawi, mahigit 100 din ang kasalukuyang nakaratay sa ospital dahil sa matinding injury.
Matatandaan na bigla na lang sumiklab ang apoy sa Colectiv Club habang nagko-concert ang bandang ‘Goodbye to Gravity’ kung saan tinatayang 400 katao ang nasa loob nang maganap ang trahedya.
By Jelbert Perdez