Nagpaalala sa publiko si Balanga Bishop Ruperto Santos para sa nalalapit na pagdaraos ng eleksyon 2022.
Aniya, kailangang maging matalino sa pagboto sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.
Sinabi pa niya na nakasalalay rin sa desisyon ng publiko ang kalalabasan ng Pilipinas sa mga susunod na taon, kung kaya’t hindi dapat gawing padalos-dalos ang pagpili sa iboboto.
Kaugnay nito, hinimok pa ng Obispo ang publiko na piliin ang politikong naniniwala, taos-puso at matatag ang pananampalataya sa Diyos.–-mula sa ulat ni Aya Yupanco sa panulat ni Airiam Sancho