Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagsasanib puwersa ng dalawang bagyo sa Silangan ng Pilipinas bilang isa na lamang.
Sinabi ng PAGASA na mas malakas na ang bagyong Maring kaya’t maaari itong manatili kapag nagsama ang dalawang sama ng panahon.
Sakaling mangyari ito ..inihayag ng PAGASA na maraming ulan ang ibubuhos ng bagyo sa kalupaan ng Northern Luzon at mga karatig na lugar.
Ang sentro ng bagyong Maring ay pinakahuling namataan sa layong 820 kilometers sa Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyong Maring ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 85 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 105 kilometers kada oras.
Ang bagyong Maring ay patuloy na kumikilos pa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras
Samantala, ang bagyong Nando naman ay namataan sa layong 930 kilometers sa silangan ng Central Luzon.
Ang direksyon ng bagyong Nando ay papalapit sa bagyong Maring kaya’t kaya malaki ang posibilidad na magsanib puwersa ang mga ito.