Patay ang 6 na refugees matapos umanong pagbabarilin ng mga jail guards sa isang detention center sa Libya.
Ayon sa International Organization for Migration, dahil sa overcrowding ay nagkagulo ang mga detainees sa Ghot Shaal detention centre sa Tripoli.
Matatandaang ikinulong ng Libyan security forces ang mahigit limang libong migrants, refugees at asylum seekers kung saan karamihan ay mula Africa.