Kasalukuyang naka-quarantine si Boston Celtics guard Jaylen Brown matapos magpositibo sa COVID-19.
Nilinaw naman ng Celtics na kahit tinamaan ng virus si Brown ay wala naman itong nararamdamang sintomas.
Ang Boston ay naghahanda ngayon para sa pagbubukas ng regular-season sa Oktubre 20 sa New York.