Pinangunahan ng Department of Health (DOH)- CALABARZON ang pamamahagi ng maternity kits o “mama kits” sa iba’t ibang opisina ng probinsya.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, kabuuang 2,500 kits ang ipinagkaloob ng DOH sa rehiyon kung saan matatanggap ng bawat lalawigan ang tig-500 ng kits.
Aniya, naglalaman ang mama kits ng mga supply tulad ng bulak, cotton cloth, nail cutter, maternity pads at iba pa na makatutulong sa kaligtasan ng panganganak ng mga buntis upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa mga bagong silang na sanggol. —sa panulat ni Airiam Sancho