Ang pag endorso ng opposition coalition 1Sambayan ang nagpabago sa isip ni Vice President Leni Robredo para tumakbo bilang presidente sa 2022 national elections.
Inamin ito ni Robredo dahil ang talagang plano niya ay magpahinga o kumandidato sa local elections kaya’t puspusan niyang isinulong ang unification at tutulong na lamang aniya siya sa national candidates.
Ayon pa kay Robredo ..nang mabigo ang unification talks ..nag isip siya kung sino ang susuportahan sa pagka-pangulo na mayruong kaparehong paniniwala niya.
Subalit dumating aniya ang endorsement ng 1Sambayan na kanyang tinanggap kahit alam niyang salat sila sa resources para manalo.
Nagpapasalamat si Robredo sa nakuhang suporta matapos ang deklarasyong pagpalaot sa 2022 presidential elections ..kabilang ang volunteers na gagastos ng sariling pera nila para sa kanyang kampanya, mga nagpopost sa social media at maging mga artista at personalidad na sumusuporta sa kanya.