Nagbukas na ang Philippine Statistics Authority ng online booking para sa Philippine Identification System o PhilSys Step 2 process sa tatlong probinsya at lungsod sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon sa PSA, simula noong Setyembre 6 ay tumatanggap na ng appointment ang Marawi City sa Lanao del Sur; Cotabato City, Datu Odin Sinsuat, Datu Abdullah Sangki, at Matanog sa Maguindanao; at Jolo, Sulu.
Noong Septyembre 28 naman umarangkada ang PhilSys Step 2 process sa Isabela City, Lamitan City, Sumisip sa Basilan; at Parang, Sulu.
Sa Step 2 registration ay bina-validate ang demographic data na isinumite online ng isang registrant at kinukunan ng biometrics ang aplikante tulad ng larawan, fingerprints, at iris scans.