Halos 7,200 examinee ang nakatakdang sumabak sa bar examinations sa 4 na araw ng linggo ng Nobyembre simula sa November 8.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, alas-5:00 pa lamang ng madaling araw at alas-12:00 ng tanghali ay magbubukas na ang mga gate ng UST at magsasara ito 30 minuto bago ang examination date.
Magsisilbing chairperson ng ika-114 na taon nang pagsasagawa ng bar examinations ngayong taon si Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.
By Judith Larino