Inihihirit ng mga magsasaka sa Department of Agriculture na magkaroon ng libreng abono sa presyo ng mga palay at mais.
Ito ay dahil sa patuloy na paglobo o pagtaas ng presyo ng langis o produktong petrolyo.
Ayon sa grupong SINAG, posible pang pumalo sa P2,300 ang kada sako ng mga palay at mais dahil sa pagbaba sa suplay ng abono.
Ayon sa ilang mga magsasaka, mula sa mahigit P15 kada kilo ng palay ay pumalo na ito sa mahigit 18k kada kilo.
Bukod pa dito, binabarat din ng mga traders ang mga magsasaka kabilang na ang mga lalawigan ng Rosales, Pangasinan; Nueva Ecija; at La Union kaya nagiging bagsak presyo ang farm gate price ng palay kahit na tumataas ang production cost nito.
Dahil dito, nasa P4 hanggang P6 ang nalulugi sa mga magsasaka sa kada kilo ng palay pero patuloy paring tumataas ang presyo ng bigas sa merkado.— sa panulat ni Angelica Doctolero