Nananatiling nasa ‘high risk’ category ang apat na rehiyon sa bansa kahit pa bumababa na ang mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, itinuturing na nasa high risk ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, at MIMAROPA.
Ang CAR, Region 2 at Region 9 ay nasa ‘high risk‘ classification pa rin pagdating naman sa bed and ICU utilization.
Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng kagawaran na mas paigtingin ang community response kontra COVID-19 upang mabawasan ang bilang ng mga dinadala sa ospital.—sa panulat ni Hya Ludivico