Halos 2-M katao ang apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na malalakas na pag-ulan sa Shanxi Province ng China.
Nabatid na ilang mga kabahayan din ang nawasak habang nasa 70 distrito at lungsod naman ang nakaranas ng landslide kung saan, nasawiang apat na police officers.
Ayon sa Meteorological Administration ng Shanxi, China, ang nangyaring pagbaha ay dumating tatlong buwan nang nakalipas matapos ang matinding pag-ulan sa lalawigan ng Henan na ikinasawi ng mahigit 300 katao.
Samantala, isang bus naman ang nahulog matapos umapaw ang ilog sa Hebei Province na ikinasawi ng tatlong katao habang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang 11 indibidwal.
Sa ngayon, umabot na sa 120,000 katao ang inilikas o inilipat ng tirahan habang 17,000 kabahayan naman ang nasira sa China. —sa panulat ni Angelica Doctolero