Maaaring bumaba pa sa 10,000 ang active COVID-19 cases sa NCR sa katapusan ng Oktubre kung mananatili sa ilalim ng alert level 4, kaakibat ang pagsasagawa ng detection at isolation.
Gayunman, aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas sa 13,471 hanggang 17,967 ang aktibong kaso kung ipatutupad ang alert level 3.
Maaari rin anyang bumaba sa 527 hanggang 849 ang severe at critical cases sa katapusan ng buwan kung mananatili ang level 4 at ipagpapatuloy ang four-day detection hanggang isolation time.
Aabutin naman ng 703 hanggang 1,235 ang severe at critical cases sa NCR kung ibaba sa level 3.
Ang projection ng DOH ang isa sa magiging batayan ng gobyerno sa pagpapasya kung ibababa na sa level 3 o ipagpapatuloy ang alert level 4 sa Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino